<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d3511405500224581593\x26blogName\x3dfriends+kami\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dTAN\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://akolangmayalam.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://akolangmayalam.blogspot.com/\x26vt\x3d-1149207187949199366', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> Comment Rewind Exit

Anong bang panaginip iyon?
Thursday, October 30, 2008
1:43 PM

Grabe ang aking panginip. Joke lang, di naman ganun kagrabe. May mga mas grabe pa don. Ako daw ay nakikipag-racing, gamit nila e cars at ako skateboard lang : l gamit ko lang paa ko para umandar : l at ako ay nananalo : l nakakapag-take over ako sa ibang racers.




New Post!
Wednesday, October 29, 2008
11:40 PM

Ako'y pagod na pagod at walang energy makipag-away, magtext o makipag sagutan ng tanong and everything. Ano ba meron sa text ko? Mawalan lang ng exclamation point matamlay na, straight to the point ang sagot na walang halong biro...galet na ko? Sana...kahit one time lang...walang mag question sa mga kinikilos ko. Di ako nagc-Clusivol o nalaklak ng 2 galong Gatorade para di mapagod.

Kulang na unan ko, pero ok lang, magagawa ko pang kumot tong natitira. Pagka-aga kong gumising at 3 oras naghintay bago umalis, Haay.. sana lumabas na lang ako...bumile ng conditioner at nagbasa ng buhok kung alam ko lang late dadating. Sa katamaran ko kaninang umaga, plano ko na lang mag shorts papunta don...kaso di pala kami hahatid pabalik sa Laguna kaya nagpalit ako.

Pati sa van, magdamag akong nakahiga at natulog. Akala nila Tita naiwan ako, andon lang naman ako, may akap na unan habang naasar sa nainis ng onting onti sa nagtext sakin. Bakit daw di ko sinabi na pupunta ko sa dorm...andon na daw siya sa UST kanina. Kelangan ba lagi ako magsabi? Pagmagkakamot ba akong ulo magpapaalam pa ko? Ako pa ang nasabihan na mainis lang ako e buong araw ko na dadamdamin...aba! Sino ba nagsabing pansinin mo ko? Manahimik ako...mali. Magsalita ako...mali pa din. Ay, barilin mo na lang ako, may baril dadi ko.

Pagkadating namin sa dorm, nakausap namin si Ate Arlene. Siya ang bagong ate na aalis din, sa susunod na makausap ko siya...bibilangan ko kung gaano siya katagal sumagot sa tanong ko. Bilang ka ng 10 seconds...magsasalita siya ng "Ha?" :l

Andon pa gamit ni Camille at wala pang lugar ang mga gamit ko kaya in-unpack ko na at ipinatong sa kama ko, tsaka ko na lalagay sa cabinet....baka sa Monday na.

Finally, uuwi na rin kami. Ang tagal mapuno ng bus, nananahimik ako sa gilid ng bintana habang si Tita andon sa my isle side, tinitignan yung maleta na dala namin. Malapit na mapuno ng may tumabi saming Lola. Pardon me pero ang baho. Masuka suka ako. Ipinasa ko na muna kay Tita yung cp ko at nagtakip ng ilong habang nakarest yung head ko forward. Ang baho! Buti may pumasok na nagtitindang mani at buti bumile si Lola!

Hindi ako makatulog at si Lola ay napapraning, kung anu ano ang kinakalikot. Tinawag yung nakaupo sa 2 seater at sinabing ayusin ang curtain dahil naiinitan siya. Sabay titingin sa side ko at sasabihin sakin na "Ang daming nasira" "Ang daming puno" : l deadma ako.

Gusto ko na matulog kaso nakainom akong kape after kumaen ng Caldereta. Akala ko gutom ako hindi pala masyado.




Friday, October 24, 2008
1:33 PM

Hay..salamat...ayos na din. Ako rin si Isang Walang Salita, haha! Ang sakit ng ulo ko kagabi sa kakaiyak. Nakatulog ako, pag gising ko ng 2:30 am, pawisan kaya lumipat ako pwesto para tapat ng electric fan. Ngayon, namamaga mata ko, haha!

Ayaw ko na ng Sorry, kahit kelangan yan parang naririndi pa rin ako sa word na yan. Nag try na nga ko maghanap dati ng other word dyan or ibang language. Siguro mas ok na na pag may maling nagawa sayo, ikaw na lang bahala magpatawad. Walang magagawa ang sorry, word lang yon. Mas ma-aappreciate ko pa kung magbabago na lang yung tao o mag ma-make up sa ginawa niya, kesa sa Sorry. hehe!




Ako ang Boss, since when?
Thursday, October 23, 2008
6:32 PM

Ok, nakapg-usap na kami...mukhang hindi maayos at di maaayos. Infairness, di ako umiyak...tama na siguro...cool lang ako habang nag-uusap kami. Medyo rude dating ko...well...ganun talaga, wala ako magagawa.

At sa pag-uusap na yon, mukhang ako pa rin ang mali, hindi nga naman niya sinabi na magqquit na siya sa pag-inom. At ako na ang boss, haha! Ako daw ang Boss, never was and never will...kasi ngayon, hahayaan ko na siya gawin kung anong gusto niya. Tulad nga ng sinasabi ko pag nagtatanong siya at para bang ako ang magdedecide para sa kanya..."Bat ako!?" Matanda na siya at definitely hindi tanga.

Malamang ako din, hindi naman ako bobo para umuwi ng lasing. At kung uuwi man ako na sabog na, may kasama ako. Babae nga ko pero di ako tanga. May diskarte ako at bat naman ako magpapaka-lasing?




11:20 AM

Talaga nga naman o...sa pananahimik ko, ako pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan. Di nga naman ako nag Thank You nung Monday. Thank You sa pag-aalala ha...but that doesn't change anything..sabi nga sa text sakin kanina na napaka-timely talaga..."Promises means everything...but once they're broken...sorry means nothing" Definitely makes sense.

I have every right to be upset and to keep quiet, ako na nga tong nananahimik ako pa sisisihin.




Ang Dating Ako
Wednesday, October 22, 2008
2:14 PM

Pano kaya kung balik na lang talaga ko sa dati? Walang boyfriend...pareho lang naman, kahit hindi ganoong kasing saya tulad ngayon, atleast wala na ko iniintindi. Wala nang tampuhan, wala nang magso-sorry, hindi na ko magseselos at walang nang mag-aalala sa'kin.

Ok naman ako dati e, ok rin ako ngayon...ok lang...

Ngayon kasi, may karaptan ako masaktan pero parang ang nangyayari e dinadaan na lang sa Sorry at Sorry at Sorry at Sorry at ang walang kamatayang Sorry...ayos na.

Dati...masasaktan ako pero wala akong karapatan...kaya binabale wala ko na lang. Ganun lang ang kaya ko.

Ni minsan e hindi ko na napaliwanag yung nararamdaman ko kasi di ko kaya at mukha namang walang tenga ang gusto makinig kaya bakit pa ako magpapagod.

Dito lang ako nakakapaglabas ng sama ng loob, dito ay sisiguraduhin ko na ako lang ang makaka-alam, dahil ganun naman kahit sa umpisa pa...ako lang nakakaalam ng mga problema ko. Huwag na lang siguro magtataka ang mga tao kapag namatay ako sa konsomisyon.




Talaga nga naman
12:04 PM

Kagabi, after ng Lalola...online ako saglit. Wala naman ako ginawa, nag approve ng mga comments pati nagbura ng mga friends na di na active ang account, mostly yung mga di ko talaga kilala...ung mga primary pic e mga naruto. Deleted na yun.

Since wala na ko magawa at paniguradong hindi naman ako makakatulog dahil sanay na ko antukin ng mga past 1 am, humiga na lang ako at nag soundtrip habang bukas ang ilaw. Nagmumuni muni...medyo dinalaw na ko ng antok kaso nagsalita ang mga intestines ko kaya punta ko kitchen. Inubos ko na lahat ng laman ng cornflakes, binuhos ang milk at kumaen na lang...habang nag-iisip pa din kung gaano ako kaawa-awang tignan. Malapit na maubos yung nilagay ko sa bowl nang may biglang sumulpot na gagamba sa kinakaen ko. ay siya! Tinignan ko pa muna eh, yung yung gagamba na napaka-thin ng legs at isang ihip lang e patay na...habang nasa bowl siya e nagbebend ang legs niya : l ewan ko kung nag-eexercise o gusto uminom ng gatas. Sa asar ko e, shinu-shoo ko na ng spoon, biglang nawala. Ayoko naman kumaen ng cornflakes na may missing gagamba kaya binigay ko na lang kay Spike.

Tapos balik ako sa room, di pa rin makatulog kaya lumabas ako at naghanap ng book na mababasa. Nakita ko yung Guiness Book of Records (1996) yung unang page lang binasa ko sumuko na ko, haha!




Tuesday, October 21, 2008
6:07 PM

okay..who am I kidding...kahit naman na sabihin ko na wala na ako pakialam at kahit gustuhin ko na ganun...hindi ko magagawa. Kayanin ko man, di rin ako makakatulog sa pag-aalala.

Kaya ko lang siguro nasabi yun e dahil sa umasa ko at napahiya ako. Pag nagalet ako o nagtampo, sorry ang maririnig ko kasabay ang explanation. Kung ako tatanungin, ayoko na marinig ang sorry pag may atraso ang isang tao sakin o pag may gumawa ng mali sakin. Sanay na ako sa sorry at kung hindi ko naman nakikita na nagsisisi talaga yung tao, anong point non di ba?

Kaya mas minamabuti kong manahimik at wag kausapin ang mga tao sa paligid ko, mas nakakapag-isip ako ng maayos. Katulad ngayon, sa pag-iisip ko ng mabuti e masasabi kong may karapatan akong magkaganito.

Feeling ko ngayon, wala...bato na ko, wag naman sana pero parang di na ko nakakaramdam ng awa, mas umiiral na ang utak ko kaysa sa puso ko...mas gusto ko toh.

Siguro di na lang ako aasa sa mga promises, i'm used to it. Pero yung feeling na napahiya ako at hindi napapansin yung mga ginawa ko, siguro medyo matagal pa bago ako masanay. Pag di ko naman kaya pwede naman sumuko e.




Bahala na si Agatha.
2:47 PM

Kahapon, naaasar ako at napahiya. Ewan ko kung dapat bang ikaasar pero yun yung naramdaman ko.

Pano kaya kung balik ako sa dati, yung walang iniintindi. Walang may pakialam at gagawin ko yung gusto ko. Medyo nagagawa ko din naman yung mga gusto ko ngayon ang pinagkaiba nga lang sa dati e napagsasabihan ako ngayon.

Hindi naman yun yung kinakaasar ko talaga, nakikinig ako kahit mukhang hindi. Kaysa naman sa ipakita kong nakikinig ako pero ang totoo e hindi, alin mas matino?

Siguro ngayon ang gagawin ko na lang ay wag makialam. Tama! Simula ngayon wala na akong pakialam. Nung una kasi concern ako kahit hindi halata, then triny kong maghigpit ng onti kahit masama sa loob ko, pero nabale wala... kaya nanahimik na lang ako. Kasi napahiya ako. So ngayon, lesson learned na...simula ngayon wala na akong pakialam sa gagawin ng iba at gagawin ko na ang gusto ko.

Ganun naman ako kahit noon pa and it worked for me.




Hindi Uminom ang Nagyaya : l
2:14 PM


Sinundo ako ni Junio, Katrina pati ni Zyrrel kahapon habang ako ay nanonood ng Drake and Josh sa taas. Yan o! Yung naka green pati naka black! Tapos yung naka pink sabi wag daw ako aalis dahil nanaginip siya masama! Ako naman si ..."ano? namatay ulet ako?" Potrages! Yun pala pupunta dito! haha!

Pero buti na lang pumunta sila kasi kung hindi edi di ako nakaalis. Yang naka green o! Yan ang nagtawag nung tanghali, nagyayaya. Haha! Wala pala plano kung ano gagawin, kaya palakad lakad kami sa may Green and Grills ba yon? No idea. Naghahanap ng kung san pwede uminom, kasi gusto daw uminom ni Zyrrel. E kami naman ni Sarah, naghahanap ng may cocktail. Si Zyrrel naman, naghahanap ng may magandang sounds : l para kaming hs, nagtuturuan sila kung san pupunta habang kam ni Sarah walang pakialam at nasunod lang at wiwi ng wiwi.


Sa kakahanap ay napa-upo na lang kami at nagtututuro ang iba.."kasi eto! kasi eto!" Kaya nagpicture picture na lang kami hanggang sa may patunguhan ang biglaang lakad.



Na wiwi na naman si Sarah kaya bumalik kami cr. Actually di ko maalala kung ano nauna e..kung nag cr muna kami tapos umupo o umupo tas nag cr. Ewan! Basta nangyari yan.

Tapos...


Ayan! Nagpapaunahan kami ni Sarah pati ni Katrina dyan. Dapat kay Junio yng iniinom ko at isang baso ng tubig sa akin : l kasi kasing pula na ng mukha niya ang kamatis kaya ako na lang :D

Pagkatapos nyan e may 2 jologs na lumapit at kinukuha ang number ni Zyrrel, sabay tumabi yung isa sakin

Jologs # 1: Ikaw ate? Pwede makuha number mo? (sabay siko sa braso ko)

Feeling close amp!

Ako: Hindi!

Jologs # 1: Bakit ate? May asawa ka na?

Ako: Meron!

Nanahimik ang Jologs at sabay hingi ng number kay Katrina.

Desperado amp!

Habang sinasabi ko yon...naramdaman ko talaga nag blush ako sa asar. Buti yung mga kasama ko e dinadaan na lang sa biro, at etong si Sarah ay may crush don sa isang kasama nila na nananahimik habang pinapanood yung 2 jologs na kasama nila na mapahiya. Ewh!




Halukay Ukay
Sunday, October 19, 2008
1:10 PM

Malapit na umalis si Tita, wala pang confirmation from the Embassy pero positive sila na magkakaroon sila ng Schengen Visa. Waaa! Di ako kasama!

Dahil don, may mga label na ang mga drawers and everything para pag may hahanapin kami, di na namin siya itetext para sabihin "Ta! Asan yung medyas ko?"

Kahapon, naghahalungkat si Mami ng mga damit niya na nilagay na sa maleta tapos itinambak sa ilalim ng bed. Yun yung mga hindi na nagagamit o yung mga damit na nakalimutan na niya na meron pala siya. Halos lahat ng cabinet dito may damit niya! Si dadi bumili dati ng Cabinet para may paglagyan ng mga damit niya, ayun! Sinalakay ni mami at pinagtatatambak yung mga damit niya. Ke dami daming damit di naman ginagamit! Tapos ako pa yung hihingan niya ng mga damit na di na nasusuot para ipamigay : l

Pagdating din sa sapatos, nung nakain kami tinanong ni Kuya kung nasabi ko na ba daw kay Keith yung sapatos na binebenta. Ibebenta daw ni Kuya Gilbert ng P9,000. Si mami naman nagratatatata, sabi wag daw bibile ng mga ganung kamahal na sapatos. Tapos sabi ko "Kaw nga nabile ng mga sapatos na sale...sangkatutak naman! Tapos di mo ginagamit! Inaagaw mo pa yung akin!" Isa lang ibig sabihin non, magaling ako pumili ng shoes....siya hindi! hahaha!

Sa paghahalungkat na ginawa ni mami kahapon, ako naman si kuha sabay suot. Pero tinigil ko na agad kasi ang inet : l may mga mapapakinabangan naman, katulad netong white blazer. Matagal na ko naghahanap ng ganito dito ko rin pala makikita. Kaso butas : l sabi ni mami, "Ok lang yan! Fashion!" sabi ko naman, "Anong fashion! Nginatngat ng daga o!"

Onting ayos at diskarte, ok na yun! haha!




Beng! Beng!
Wednesday, October 15, 2008
12:58 PM

Habang nagtitimpla ako kape after mag lunch, tinanong ko si Tita, "Ta! Pag binaril ko ba yung Super Kalan..sasabog?" Tapos sabi niya, "Natural! Bakit mo naman babarilin ang Super Kalan?" Tapos sabi ko, "Sa New Year...pasabugin ko"

Wala lang,

gusto ko lang i-post

Habang kumakaen kami kanina ng pagkaen : l Napag-usapan ulet yung day na na-ambush si Daddy sa Lucena. Hindi siya yung target but then damay pa din siya. Kinukwento niya na natamaan sa likod yung driver nung nasa side driver side yung naka-motor na bumabaril. Sabay nung pabalik ulet yung naka-motor para barilin yung driver, sinigawan na ni Daddy na "Baba!" Sabi kasi niya parang nakatunganga na lang yung driver at ayaw bumunot ng baril para i-defend yung sarili niya. Licensed yung dalang baril ng driver kasi nag Sho-shooting sila ni Dadi, hehe!

Imbis na traumatic yung incident na yun, napagtatawanan ko pa kanina kasi nire-reenact ni Dadi yung time na bumaba sila sa sasakyan. Natataranta daw yung driver habang si Dadi nakasandal sa sasakyan at look out dun sa pabalik na motor at yung back-up non. Hindi daw mapakali yung driver kaya sinigawan ni Dadi, "Paputukan mo!!!!!" Ahahahahahha! : l Ayun! Pinaputukan niya, hindi daw matamaan nung una pero nakatama din daw, may plano pa daw lapitan kaso parang sa movies yun! Pag chineck mo kung buhay pa kalaban mo..maya maya..Sulplays!!! Beng! Kaya di na pinalapit ni Dadi, hehe!

Naalala ko pa non, nasa dorm kasi ako non, di ko naririnig kung may tumawag sa cp ko o may magtext. Bandang 4:30 am tinawagan ako ni mami tas sinabi niya sakin yung nangyari. Di na ko masyadong makatulog non, meron pa kayang makakatulog ng mahimbing sa balitang yon?! Kaya nag pray na lang ako don sa may Chapel sa baba, kasama mga madreng ayaw magpanood ng TV : l




HS Barkada
Tuesday, October 14, 2008
7:20 PM


Gawa ni Apol...tae namin yun : l Dami na niya nagagawang mga ganyan, hehe! Syempre mas madami mga pics niya.

Na mi-miss na siguro kami neto, hehe!

Kaso boi..may kulang! Wala si Arvin pati si Zyrrel! Hahaha!




Tooth Fairy??? Penge Ngipin!
6:49 PM

Tumawag si Mami nagun ngaun lang sa phone.

Agatha: Heelllaaaaw???

Mami: Hello, Agatha...sino kasama mo dyan?

Agatha: Si Daddy

Mami: Galing kang school?

Agatha: ha? hindi

Mami: O akala ko ba 2 araw

Agatha: Monday pati Friday

blah blah blah blah

Mami: Ang tita mo nasaan?

Agatha: Nasa labas

Mami: Tawagin mo, kausapin ko

Agatha: Sakit ngipin ko

Mami: eeeh..tawagin mo

Aaaahh! Walang may pakialam!

Ang sakit ng ngipin ko, wisdom tooth ko na naiba ang direksyon ng pagtubo. Yung feeling na kelangan na talaga tanggalin kasi sobrang nagc-crowd na yung mga ngipin sa part na yun.

Nasabihan na ko ng dentist na kelangan bunutin toh bago sumakit at madamay pa yung katabing ngipin. Kulang na nga ako sa ngipin tas etong tumubo bubunutin pa..ay siya! Nakakatakot magpabunot kasi ang daming prescribe na gamot bago yung procedure tapos baka lagnatin pa ko.

Tuwing gabi naiisip ko talaga kung pano ako bubunutan, kaya mas lumikot ako matulog...para siguro maalog isip ko : l

Naiisip ko parang yung sa America's Next Top Model, yung binunutan si Joanie ng mga ngipin. Ang laki ng ngipin nya, eto rin atang wisdom tooth ko malaki, based sa x-ray. Aaaaahhh!! Bakit kasi tumubo??? Di naman ako nagtanim o uminom ng kahit anong gamot para matubuan ng ngipin!

Sana talaga pag pinabunot ko to, hindi mangyari yung sinasabi ni dadi na nangyari sa kanya. Isa pa yun, napaka-brutal magkwento nung binunot yung ngipin nya. Bumabalik na naman ang syndrome ko tuwing dadalaw sa dentist. Baka umiyak pa ko don.




Pwede Bang Tumahimik ang Mundo Para Kay Agatha? Please!
Sunday, October 12, 2008
11:30 AM

Ako'y napipikon at naiirita na. Bakit ba kasi ang bilis ko maistorbo?!? Nng bata naman ako kung matulog ako e parang mantika. Inakyat na ni Kuya Ian ang puno ng Makopa para mabuksan yung pinto ni Kuya sa taas at makapasok sa sala para pagbuksan ng pinto si Mami. Nung lumindol din naman dati hindi ko rin naramdaman! Sana ganun ulet ako ngayon...mas kinakailangan naman siguro ng mga tumatanda ang isang napakalupet na pahinga.

Pag ako humiga ng kama...hahatsing ako at sisiponin.

Pag nakabuo na ko ng tulog bandang madaling arawo mag-uumaga na...may maririnig naman akong washing machine o bungangerang kapitbahay na ginawa na ang lahat except itikom ang bibig.

May maririnig din akong kabaduyan na pinapatugtog ni mami! Nilalakasan pa! Ewan ko kung nagso-soundtrip o nagyayabangng pinapatugtog niya sa mgakapitbahay.

Magri-ring din ang phone pag natutulog ako, sino tumawag? Kung hindi si Aling Christie na laging hinahanap si Tita...malamang si May (para kay Kuya)...yung maangas na babae na para bang utang na loob ko pa at dapat ipagpasalamat na tumawag siya. Yung nanguya lagi habang nagsasalita sa phone...slow din...sa pagsasalita at sa paggalaw ng utak.

Nagising kasi ako ng 7 at ininit ang pesto...kumaen sabay nagtimpla ng kape pero hindi ko nainom...binigay ko na lang kay mami at sabi ko inaantok nqa ako. Sa oras na yon, tuwang-tuwa ako dahil mahimbing na tulog ko. Sabay kanina lang may bwisita, hinahanap Tita ko...yung may mga kailangan sa kanya para maglakad ng papers para sa flight nila sa Greece. Ay putragis na yan! Nakikipag-usap lang sa phone ang lakas ng bibig amp! Bumangon ako para magwiwi..kahit wala naman akong planong bumangon. Napilitan dahil gising na naman ako...aun! Kung kelan ako tumayo tsaka umalis...edi balik bagsak ako sa kama.

Pag ako nabwisit, hahanap ako ng sleeping pills sabay iinom ako twice ng dosage. Tapos maglalagay ako ng takip sa tenga pati sa mata. Maglalagay ako ng sign sa may pintuan ko

"WAG NIYO KO GISINGIN, KUNG KAKAEN NA KAYO...KUMAEN KAYO! HINDI NIYO AKO KAILANGAN PARA NGUMUYA. GIGISING WHENVER!"





Bawal Pumasok!
Saturday, October 11, 2008
6:19 PM

Ako ay naglinis ng aking mahiwagang palasyo...DUM....DUUM...DUUUUMMMMM!!!!!

Wala na kasi ako magawa sa net kapag binubuksan ko ang pc, kaya naisipan ko na lang maglinis. Hindi naman na sa Kadurdur na ang aking palasyo kaya kelangan ng magpunas at magwalis, kaya ko naisipan e dahil nahatsing na ko tuwing gabi sa mga nagliliparang alikabok siguro na di ko nakikita.

Una kong ginawa e pinagsigawan na maglilinis ako...walang pumasin : l Kaya eto ginawa ko.

Agatha: Ta! Maglilinis ako kwarto

Tita: Ocge

Agatha: Gusto mo ko tulungan : l

---------

Agatha: De! Maglilinis ako kwarto

Daddy: Buti naman!

Agatha: Gusto mo tumulong?

Daddy: Ikaw na lang

Agatha: (umalis)

Daddy: Ay Ingrid! Hanapin mo yung yantok ko!

Agatha: Anong yantok?!

Daddy: Yung pamalo..baka may lumabas na ahas diyan sa kwarto mo eh.

Agatha: (sarcastic) Ha..ha..!

-------

Agatha: Me! Maglilinis ako kwarto

Mommy: Cge

Agatha: Tulungan mo ko

Mommy: Pagod pa ko eh

Agatha: :l

Ayan! Pero salamat at tinulungan ako ni Tita kahit tinanong niya kung may lagnat ba ako kaya ako naglilinis at pinagtatatambak ang nakalagay sa drawer ko at kinuha ang mga baryang nakita niya. : l

Una kong ginawa e nilabas ko ang mga abubot na nakatambay sa may table ko pati sa mga shelves, hinagis ang mga unan sa may balcony para mainitan, tinanggal ang bed sheet, kinalas ang pc at binigay kay Daddy para linisin.

Inurong ni Tita yung cabinet ko na napakabigat daw dahil sa mga magazines na nakatambak sa bottom drawer ko. Sabi ko "Ano ka! Bat ko tatapon yan!? Pag tumagal yan tataas value nyan..bebenta ko!" Pagka-urong niya ng cabinet...ang dami dami dami daming alikabok! At ang pesteng daga e sinira yung pader ko!

Naka 5 hatsing ako at 4 na singa ng sipon...ewh. Nakakaawa akong tignan nung nililinis ko yung pintuan ko! Kaskas dito kaskas don! Tinanggal ko na ang poster ni Avril na nakadikit don! Yung "Keep Out" sign na lang ang ititira ko pero mukhang walang effect sa mga tao dito sa bahay dahil ini-invade pa rin nila ang aking palasyo...lalo na si Mami!!!

Sa paglilinis ko.. napa-onti na lang laman ng room ko. Hindi naman pala akin yung mga nakalagay dito! Puro damit ni Mami ang nakasabit sa cabinet at puro cd's ni Kuya ang andito sa drawer! Ay siya! Pinagtatatambak ko don sa may sala! Inyo yan!

After ko maglinis, naligo na ako at tinesting ang pc kung tama ang kabit ko. Ayusin ko daw sabi ni Daddy...kasi kung hindi..di daw siya makakapaglaro ng Solitaire : l

Nung nase-sense ko na na papasok siya...sinigawan ko! "De!!! Hubarin mo tsinelas mo!" : l

Kaya sa susunod ulet na paglilinis...next year ang General Cleaning ulet!




Make Way For the First Son
Friday, October 10, 2008
8:12 PM

The prodigal son's at home while their pretty daughter is locked up in her room...blogging : l

Eto na! Eto na! Eto na! AAAAAHHHH! Eto na si Kuya, iniinterview nila Mami and Dadi sa kanyang uber extravagant job! Super-duper high na starting salary, dami dami benefits and everything!

Pero hindi, kahit tumunganga lang si Kuya sa harap ng PC nya e malamang lamang magkakaroon ng pera yan! Siguro nabored na siya sa kakaupo.

Buti na lang youngest ako tapos girl pa...di siguro masyado mageexpect ng sobrang kagandang work at kataas na salary na makukuha ako pagkalayas ko sa uste noh.

Alam ko na! Pagka-graduate ko sasabihin ko.."Mami...Dadi...Bubukod na ko!" Para walang magmo-monitor kung sumesemplang na ang career ko...yan e kung magkakaroon. hahaha!

Ngayon pa lang e nangongontrata na ako, pag ako nagkatrabaho..ako magbabayad sa cable : l mm! 400 lang :)) o kaya sa tubig :D




Born Like That
6:24 PM

"Sana lang nagsasabi ka ng poblema"

Bakit nga ba napakahirap sa part ko na magsabi ng problema? Lalo na sa mga taong dapat kong sabihan.

Kasi lumaki siguro ako na ganun. Yung hindi nagsasabi kung ano problema ko kasi isang tulog lang o magawan ng diskarte e solve na. Di ako sanay na umupo at magdadadada ng nararamdaman ko, siguro dito sa blog nagagawa ko kasi may password at wala masyadong nakakabasa. Natuto ako manahimik at matulala na lang kaysa isipin yung problem ko. Ganyan ako, bigla na lang may mga magtatanong kung badtrip ako.

Dahil napapansin ko, na pag sinabi ko naman problema ko, imbis na ma-solve e lumalaki. Hindi na ko natuto na makinig sa mga payo kasi mga salita lang yun. Wala akong naaalalang sitwasyon na effective ang isang advice sa problema ko. Mas sanay ako na kung sa ano yung tingin ko e mas magiging convenient ako don. Sa tingin ko kasi ako at ako lang ang makaka-solve sa mga problema ko, maliban na lang kung may mga taong tutulong, tulong na gawa...hindi tulong na dada.

Ang pananahimik ko rin siguro at pagsarili ng problema e way para hindi ako maiyak, haha! Gaano ko man paniwalaan na malakas ako, may weak point din ako...so wag na lang! Ayoko ng drama.




3...2....1....Bogsh!
1:02 PM

Ang mga langgam ba nagkakabukol? Kasi nung nakahiga ako, nakita ko sa pader may 2 langgam na magkakasalubong. 3...2...1....Bogsh! Untog! Sabay lakad ulet. Pano kung may 2 army ng langgam na magkakasalubong? Basag na siguro bungo nila.

Tulad ng mga nakaraang araw, eto na naman ang panibagong araw na wala akong magawa. Wala nang makausap na kahit sino, wala na malarong tota, wala na malarong laro, walang pera para makapag-gala, walang matinong channel na mapanood at walang pakialam sa oras. Yan ang buhay bakasyon ni Agatha Geron. Magkulong sa kanyang mahiwagang palasyo, na dapat ay nililinis ko dahil plinano ko iyon.

Kung hindi dahil sa tuition na babayaran, sana makakasama ako kila mami papuntang Greece. Sabi niya dati pwede ako sumama...ayon! Basta pag sinabi niya, kabaligtaran mangyayari.

Hay! Andito lang ako...kelan ba pasukan? Gusto ko na pumasok kahit na nalalapit na ang mga araw na mababangag ako dahil sa thesis. Ayaw ko na matapos yung 2nd sem, ayaw ko muna matapos mag-aral kasi wala pa ko napipiling work. Lagot na naman ako neto kila mami pati kila dadi. Weeee!!

Ang saklap siguro non, pinagbubuti mo pag-aaral mo pero hanggang pag-aaral lang ang kaya mo....wala ka pala patutunguhan...shit!

Makapag day dream nga saglit...after college...magbakasyon kaya muna ako. Punta ako kahit saan, ako lang para kahit buong araw ako maglakad ok lang. Tapos pagbalik ko ng Pilipinas, work na! Don ako sa kick-ass na company, yung hindi ka sisigawan at uutus-utusan lang ng walang kinalaman sa work mo. Yung work na hindi na kelangan mag-ayos, kung ano gusto mo itsura ok na! Tapos lilipat ako ng bahay, ayaw ko pala ng bahay, gusto ko parang unit lang sa mataas na building! Tapos pag may kelangan ako sa kapitbahay ko, kukunin ko lang walis tambo tas tutusukin ko yung ceiling, magkakarinigan na kami! Tapos magha-hire ako ng maglilinis ng bahay ko every month! Ayos! haaaaaayyyyy...

3


2


1


BOGSH!


Tama na nag day dream




Dumb+Me=Dummy?
Monday, October 6, 2008
10:38 PM

Tayo ay sumipol na lang ng Adams Family.

I wonder what does a typical girlfriend say when her boyfriend's feeling...depress? or irritated? I'm not sure how he feels right now...can you help me with that too? I think I should try the "What would I feel if that happened to me?" thing that most people would ask when a dummy like me wonders.

Let's see, if that happened to me...I would definitely be pissed off to the situation, to the person involved and probably to the people around me who asks if I'm okay coz obviously I'm not. What else? I would kept quiet all day, forcing myself that it's done and just let it be.

Ay! This method doesn't seem to work at all. It should happen to me first before writing stuff about it. Anyway..at least I'm trying..but it's not working. I listen, its a good thing that he lets it out and I tried to make him feel better and I'm pretty sure it didn't work. So I kept quiet and let him say what bothers him, maybe it works for him that way. I don't mind...it's the least I can do..or the only thing I can do...to shut up! :))

But shit still happens. He said I shouldn't feel sorry for him, he doesn't like that...I agree. I don't want someone to feel sorry for me either but I just let it be. Why? Because they care and probably that's the only thing they can do...sympathize with you. But if you ask me, I always believe that a knock on the head should do the trick. As annoying as it maybe when you rub it in, I'm hoping it will work. But I can't, I'm in no position to do that because the way he's acting right now...I do that too. I just wait until the day is over and tomorrow's going to be another day to start over.

So I'm not the best person to make someone feel better. All I can do is to lend an ear, because none of my words are of use.

Hehe! Will someone help me? I'll give you a black gummy? :D




Has Been
3:42 PM

Naalala ko dati nung highschool days, yung mga friends ko nagsasabi ng problems sakin hoping that I could give them advice on their problems or make sense why it happened.

Naalala ko pa din non, na pag pag may problema o away kila Zyrrel at Apol, kami ni Junio ang nag-uusap sa phone at nagp-plot ng plano para mapagbati sila. Nagawa rin kami ng act para malaman yung buong storya, haha! Dati nga nagsswitch kami ng kausap para malaman both sides.
Siguro dati, madali lang magsabi ng advice kasi hindi naman ako yung nasa sitwasyon. Bakit ngayon parang kulang ako sa practice? O baka naman di talaga ako maaasahan pagdating sa mga ganyan. Dati kasi parang lahat ng sinasabi ko may point...ngayon parang tsambahan na lang. Haha!

Ano ba kinakaen ko dati? Baka nakakatulong yon sa pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. (Ang daming word na tulong)

Ilan na nga ba natulungan ko ngayong year? Yung tipong mapapa-"OMG! Maraming Salamat Agatha! Kung wala ka...ay siya!" So far, wala pa ata. Hmmmm... sabi na dapat mag-therapist na lang ako e! Yung tipong magsasabi lang ako ng 3-5 words tapos sasabihin ng patient "OMG! Doc! Maraming Salamat! Kung wala ka...ay siya!" :))

O kaya takbo na lang ako ng pagka-presidente talaga e, para sabihin ng masa "OMG! Kagalang-galang na Presidenteng Geron! Maraming Salamat! Kung wala ka...ay siya!" :))
Ahahahahahaha!!!! Ang ganda siguro pakinggan andon ako sa EDSA tapos andon mga tao, may dala dalang mga banner tapos sabay sabay mag-o-OMG! Weeeeeee!!!!!




Operation Hindi Malalate si Artee
1:03 PM

Tenenew....Tenenew...Tenenewwww........Jeng! Jeng! jeng! jeng! jeng! jeng! 4X

Dahil sa ako ay walang ginagawa dito sa bahay kung hindi

matulog
gumising
maghain
kumaen
maghugas
umupo
mag-ol
manood
maligo
umupo
tumayo
maghaen
kumaen
maghugas

Tutulungan ko na lang si Artee na gumising ngayong week para di siya ma-late. Bwahahahaha!!!

Day 1: Nag-alarm ako at agad na nagtext kay Artee na malamang sa mga panahong iyon ay humihilik at tumutulo laway.

Pero..pero..pero! Nagkatopak ang aking cp, ayaw makapagsend ng message. Bwisit na Globe. Kakaload ko lang. Kaya bumangon ako at nag tip-toe sa room ni dadi at kinuha ang cp niya.

Nagtext ako, sabi ko gumising na siya. Ay siya! Nananaginip siguro ng mga scenes from Samurai 7. Kaya nag miss call ako..mga 5x ata. Wala. Bulagta pa din, umiyak nga siguro sa kakanood at kaka-memorize ng mga linya sa Samurai 7 na napapanood sa Animekiwi.com. Inunderestimate ko ata ang kakayahan ni Artee na matulog : l

Mmmm...7 na siguro non tas triny ko ulet tumawag, aun! Habang na ring e ine-end call. Gising na! Gising na siya! Makakatulog na ulet ako! : l

Day 1 pa lang yan, pano kaya bukas, mas maaga ang pasok niya. Dum dum duuuuummmm!!!





Stupid Grim Reaper
Sunday, October 5, 2008
8:31 PM

Why did you took away our 2 puppies. Stupid worms, why did you put them in pain.. and why didn't I do something about it.

Two in a row, we lost Loki and Odie. Good thing Mogi is getting better.

Ang bigat bigat ng katawan ko kanina, kahit na late na ko natulog kagabi..ngayon ko lang naramdaman yung sobrang pagkaantok na parang walang balak bumangon at humiga magdamag sa kama.

Sa unang pagbangon ko, ang malalaman ko lang ay namatay ang isa sa alaga namin. I can't do something about it, it's done. So balik ako sa kama, nagreply kay Keith at minabuting matulog na lang.

Bwisit na bwisit ako sa araw na toh, ano ba meron sa October 5?

Kanina chinecheck ko yung dalawa pa naming alaga kung okay sila, bandang hapon tinignan ko si Odie. Wala na rin siya. At first, I wasn't sure about it...tinawag ko muna si Kuya para pacheck si Odie...ambagal amp. Si daddy tinawag ko..aun...wala na nga.




What's with my eyes?
12:38 AM

Pagkaka-alam ko normal naman ako pinanganak, pero bakit ganito mata ko? Ayaw sa masyadong maliwanag. Pati yung eye lashes ko, pahirapan i-curl! Gusto straight!

Baka naman nung pinanganak ako e nasilaw ako kaya na-trauma ako
OMG!

o kaya para akong si Cyclopes sa X-Men, pag masyadong na expose ang mata ko sa liwanag e magluluha hanggang sa bumaha!
(di naman ganun si Cyclopes)
OMG!!

o kaya
.....
OMG!!!
:l

Makatulog na nga!






Minana ko kay Mami ang Cooking Skills ko
12:12 AM

Sa mga oras katulad neto,
dapat ay mahimbing na ako sa pagtulog,
akap akap ang aking onan,
parang uod sa kama at
nakatapat ang maalikabok na electric fan.

pero hindi ngaung gabi/madaling araw

Kakakaen ko lang, nagluto din ng kung ano, nagluto ako ng scrammbled eggs na hinagisan ng toge at tinaktakan ng Maggi Magic Sarap! and I called it "Togegg"

Kaninang hapon ko triny magluto non dahil wala na akong mahagilap sa ref namin kundi itlog. Sa cabinet, puro naman pasta... hindi naman siguro masarap kung magluto ako ng egg pasta...it's Kadurdur!

Pero one time nagawa ko yun! May vegetable noodles sa cabinet...may green, orange and yellow, kinuha ko tas binoil for 20 secs/ Thin kasi ang bawat strand at pag napatagal ang pagkulo ay magiging soggy. You should learn from me because I'm so good at this! Tapos drinain ko yung water and nilagyan ko ng oil yung noodles, if-fry ko ata..ayun! Dumikit sa kawali. Tapos binuhos ko yung egg, ayun! Kadurdur na talaga itsura...ewh na! The I sprinkled some salt and blackpepper and some fish sauce and Voila! Walang nanghingi. Ako kumaen, buti pa si Spike nanghingi kaya binigyan ko kasi I wamt to share my greatest works to those who appreciate. : l


Mabalik sa "Togegg" ko. Ok naman siya, nakakaen naman...buhay pa naman ako so safe siya.

Atleast ako kinakaen ko niluto ko e yung kay Mami, puro doggies ang may gusto..di ba! di ba! Kaya para sa lahat ng iniimbita nya dito sa bahay na mag lunch, kaen muna kayo bago kayo punta dito. hehe!

Naalala ko tuloy yung pakulo ni Mami dati nung Noche Buena, this is not about her cooking. Actually, I like what she prepares whenever there's an occasion. Anyway, year 1999 ba yun o 1998 o 2000..basta, inimbeta niya ang iilang friendly neighbors (yung iba, not so friendly..just sucking up) dito sa bahay. At sila ang nag Noche Buena, habang ang Dadi ko ay natulog na lang, si Kuya ay nakasimangot habang nanonood ng TV at naghihintay matapos kumaen ang mga bisita...mmm..ano nga ba ginawa ko non? Malamang lamang e natulog na in ako dahil nalipasan ako ng gotom.

Para tapusin ang post na ito na nawawalan na ata ng direksyon,

Bochog na ako.






hmmm...ano kaya trabaho ko?
Saturday, October 4, 2008
8:42 PM

Nakita ko na nga pala name ko sa list of Gradutes. Sa pagkahaba-habang list, andon ako!...sa baba :I Letter G kaya surname ko, bat andon ako sa baba?

Tapos na din ako sa pahirap na Practicum, sa loob ng 4 months, di ko alam kung na-impress ko yung mga tao sa company na pinag-OJT-han ko.

After graduation, ano kaya gawin ko? mmmm...

Mag-therapist kaya ako! Kaso Tourism course ko, pero mukhang okay ako don kasi nakikinig ako sa mga problems ng tao tas kaya ko naman itikom bibig ko. Di naman ako masyadong magaling magpayo pero ok na naman na tanong lang ako ng tanong sa patient ko para kwento siya ng kwento tapos naka-upo lang kami. Siguro ang kelangan ko lang e couch, coffee table, clipboard, sratch paper, ballpen, isang pitcher at glasses! Solve!

hmmm..di wag yon, pang sideline siguro pwede pa
Gamitin ko naman yung pinag-aralan ko,
kung may natutunan

Maging navigator kaya ako. Since kelangan familiar kami sa mga lugar edi yun na lang! Magdo-drawing ako sa mapa! Parang Game Plan sa Basketball, oha oha!

Pero wag na lang siguro,
kasi mala-expedition ang dating non eh
pati palipat lipat ng lugar...
pano ako magpapadeliver ng pizza kung wala akong permanent address

Ano pa kaya? mmmm...
Events Organizer kaya? Para malagay sa Current Events :I

Tumakbo kaya ako sa pagka-President? Para instant celebrity! :I

Ay wag na lang, tamad ako magdamit ng formalan e.
Pati ang pagkaka-alam ko e gumagamit ng special cloth para sa damit ng isang presidente
abaca nga ba un? Wag na lang, baka amagin pa ko.

Magtayo kaya ako ng company?

Pagawaan ng coffee creamer! Sinisisi kasi ako ng mga tao dito sa bahay e. Lagi daw walang creamer, sabay turo sakin kasi ako malakas gumamit pag natimpla. Tama! Gawa ako creamer! Iba't ibang flavor! May vanilla, chocolate, cinammon, hazelnut, bubblegum, milk, mint, cookies and cream, pandan, ube and everything! Okay!

Ano kaya pangalan? hmm...
"Kope Kremer?"
Ayos ba?
"Pabili nga po ng Kope Kremer?"

"Cream me!?!"

Ano ba tagalog ng creamer?
Pampalapot? :I

Okay, iba naman. Ano nga ba yung sinasabi ko dati?

"Pag ako yumaman blah blah blah blah blah!"


ayayaya! Limot ko na.

Hay bahala na nga! Isip isip na agad ako ng trabaho, palpak naman resume ko. psshhh.







Pano kung magdamag tayong nakapikit?
8:12 PM

sa mga oras na ito ay di ako maka-top score sa cat corner. pagod na siguro mata ko, kanina pa babad sa monitor. Nagbabasa, nanonood, kinukusot mata, etc.

Pano kung magdamag tayong nakapikit?

hmmm...siguro gagawin yon ng mga taong ayaw makakita ng kinatatakutan nila. Ako pipikit ako pag may nanganak sa harap ko...ewh! Pede ring pumikit sila dahil ayaw nila makita katotohanan, siguro para sa kanila mas mabuting matulog, pumikit magdamag at mag stay na lang sa dream nila.

haha! di naman pede siguro yung sinasabi ko di ba? Ang taong magdamag nakapikit e magkakaroon ng isang katutak na muta! Besides, gaano man kasaya, kasakit, kaganda, kapanget, kabango, kabaho ang makikita natin, di mababago ang mga nangyayari sa isang kurap ng mata. Kaya ang mas mabuting gawin, titigan mo :I pero mag blink blink ka kasi baka mapuwing ka.




Hay...Sembreak
12:58 PM

Ang inet! Ano ba tinatapakan ko ngayon? Pugon? Ang inet! ay wait..nakasara pala ang bintana ko.....aaahh! ang inet pa din.

Walang magawa, andito na naman ako sa mahiwagang palasyo ko, nagkukulong. Parang ayaw ko na ng bakasyon, di na ko sanay pati walang baon. Wala kasi kaming bakasyon dahil sa Practicum. Yung mga araw na yon, nakakapagod din kasi takbo dito, bitbit nito...kahit di ko gawain pinapagawa sakin. Nung last day ko sa CI, si Ate Joan pinapa-order kami nila Chiquei pati ni Gerry sa Haribak. Kahit sino sa amin, basta may kumuha. Since walang pumapansin sa kanya after naming sabihin na hindi kami pupunta don o kakaen, inaabot niya sakin yung list ng mga oorderin. Yoko nga! Sabi ko "di ako punta don eh" :p

Yep! Ganun ang buhay namin don, dinaig pa ni Ate Joan ang mga Staff sa pag-uutos. Buti di niya kami inutusan bumili ng dish washing soap o bunutan siya ng puting buhok.

Gusto ko pizza, pasta, panda....waaaaahhh! Penge Pera! uy nag rhyme :D

Pero ang problema ko talaga e mainet. Bakasyong bakasyon nga ang atmosphere para sakin. Pero ang daya..."Ber" month na kaya...dapat may snow!




whoops! sorry..
Friday, October 3, 2008
11:51 PM

My subconscious: m! kaw kasi! tanong ka ng tanong, kanina ka pa tanghali natatabla dahil sa pagtatanong. Parang kanina. nagtatanong ka lang naman kung ano yung kinakaen mo...o ano sabi sayo ng dadi mo "basta kumaen ka lang" See! Kaya kahit panis yung ulam, wag ka na magtanong...kaen ka lang!

Bakit di ka tumulad nung highschool days mo..
"Are there any questions?" - teacher
N.R. - whole class

Ganun lang dapat, let's just put it this way...if you can't help someone out just keep your mouth shut. No questions asked. Don't bother.

Agatha: hmmm...bakit nga ba ko nagtatanong??? Maybe I don't have a clue or I'm just concern.




Sinasabi ko na nga ba eh!
8:47 PM

Kaya hindi nagdedemand ang intestines ko ng "Master! Kaen na! Aba!" kasi ako pala maghuhugas!
ayayayayayayayaay!

ayan! may betadine na naman kamay ko, hehe!

Bakit kaya wala akong finger prints?!? Ang laking issue neto sakin nung nago-ojt pa ko. Pahirapan tuwing mag log-in! Puro "UNRECOGNIZED" tapos nag cause pa ko ng traffic non. Bakt nga ba ganito? Yung sa iba pa-swirl yung finger print nila, bat yung akin parang Line ng LRT? : I

Haaayyy...bochog na ko! Ang tahong ba hayop? Pinagmasdan ko kasi siya kanina...sabay subo! Ano ba yun? Halaman? Trap para sa guppy? Pano nabubuhay yon? Sabi ni tita nakadikit lang daw yun sa kahoy...mmm..nakakita na ko ng ganun, pero bat siya andon? Ibig sabihin magtutusok lang ako ng kawayan sa gitna ng dagat tas marami na tahong na didikit? Baka naman kumakapit sila don pag may dadating na bagyo o hurricane. Ay naman! Mga misteryo ng buhay...





Oh yeah!
7:52 PM

nyahahahahaah!!!! dinodownload pa ni kuya ang macromedia pero di ko na kelangan! bwahahahahaha! Napagana ko na! Yes!

Ang kelangan ko na lang gawin ay:

mapa-animate ang template
malagyan ng nav-bar ang page ko
mag post ng mag post
itama ang orasan, dahil mukhang oras ng madaling araw ang lumalabas
magpa-xray
maglinis ng room
magpabunot ng wisdom tooth
hanapin ang charger ni daddy
turuan ang mga tota ng mga combo para madefend ang sarili against kay uncle Kiko

...so far...
un lang!
:D

I would like to thank the following that made this blog possible:

I would like to thank myself...kung nasan man ako...Thank You!
ang aking pc, ang ganda ng desktop ko
photoshop
geocities
blogskin.com
photobucket
obsidiandawn.com
dafont.com
blogger.com
si Artee! Nagchechek ng aking page
PLDT
and Mozilla Firefox

weeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!




Gummy Objects
6:20 PM

Merong gummy raspberry, gummy green pineapple, gummy orange coin-shaped object, gummy yellow angry looking Tiki fes, gummy black cat at marami pang iba! Napagod na ko sa pag mention dahil kada sabi ko e kinakaen ko...except sa black gummies kasi kadurdur yung lasa

Look! nihanap ko sa google "Malaco Gott (?) blandat...di ko naintindihan.

San ba gawa mga gummy gummy? Bat pag kinakaen nadikit sa ngipin? Pati bakit lahat ng tao dito sa bahay e ayaw kainin yung black gummies? Sabay ititira kay mommy pagdating :I :))

Whow! Ngayon ngayon lang nakabunot ako ng black gummy limo...whow! ang tigas! hmmmm...sino kaya nakaimbento neto? Kasi ang daya niya, puro black gummies toh m! Sakit sakit nguyain, wait...balik ko nga sa ref toh, kunin ko chocolate.

~ after 10 secs ~

I'm back! may subo subong chocolate and I'm back in the Blogging Community...well...not really... I prefer to have a private blog...for now, kasi it's a new one...old posts are on my other blog, my first one. Besides, ala pa kong matitinong posts, at mukhang di ako magkakaroon ng matinong post. :D and it's still a mess! Can't figure out the coords ("Bwiset na coords!") and the template I have right now is not exactly what I had in mind and I'm still working on it. Wish me luck!