<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3511405500224581593?origin\x3dhttps://akolangmayalam.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> Comment Rewind Exit

3...2....1....Bogsh!
Friday, October 10, 2008
1:02 PM

Ang mga langgam ba nagkakabukol? Kasi nung nakahiga ako, nakita ko sa pader may 2 langgam na magkakasalubong. 3...2...1....Bogsh! Untog! Sabay lakad ulet. Pano kung may 2 army ng langgam na magkakasalubong? Basag na siguro bungo nila.

Tulad ng mga nakaraang araw, eto na naman ang panibagong araw na wala akong magawa. Wala nang makausap na kahit sino, wala na malarong tota, wala na malarong laro, walang pera para makapag-gala, walang matinong channel na mapanood at walang pakialam sa oras. Yan ang buhay bakasyon ni Agatha Geron. Magkulong sa kanyang mahiwagang palasyo, na dapat ay nililinis ko dahil plinano ko iyon.

Kung hindi dahil sa tuition na babayaran, sana makakasama ako kila mami papuntang Greece. Sabi niya dati pwede ako sumama...ayon! Basta pag sinabi niya, kabaligtaran mangyayari.

Hay! Andito lang ako...kelan ba pasukan? Gusto ko na pumasok kahit na nalalapit na ang mga araw na mababangag ako dahil sa thesis. Ayaw ko na matapos yung 2nd sem, ayaw ko muna matapos mag-aral kasi wala pa ko napipiling work. Lagot na naman ako neto kila mami pati kila dadi. Weeee!!

Ang saklap siguro non, pinagbubuti mo pag-aaral mo pero hanggang pag-aaral lang ang kaya mo....wala ka pala patutunguhan...shit!

Makapag day dream nga saglit...after college...magbakasyon kaya muna ako. Punta ako kahit saan, ako lang para kahit buong araw ako maglakad ok lang. Tapos pagbalik ko ng Pilipinas, work na! Don ako sa kick-ass na company, yung hindi ka sisigawan at uutus-utusan lang ng walang kinalaman sa work mo. Yung work na hindi na kelangan mag-ayos, kung ano gusto mo itsura ok na! Tapos lilipat ako ng bahay, ayaw ko pala ng bahay, gusto ko parang unit lang sa mataas na building! Tapos pag may kelangan ako sa kapitbahay ko, kukunin ko lang walis tambo tas tutusukin ko yung ceiling, magkakarinigan na kami! Tapos magha-hire ako ng maglilinis ng bahay ko every month! Ayos! haaaaaayyyyy...

3


2


1


BOGSH!


Tama na nag day dream