Born Like That
Friday, October 10, 2008
6:24 PM
"Sana lang nagsasabi ka ng poblema"
Bakit nga ba napakahirap sa part ko na magsabi ng problema? Lalo na sa mga taong dapat kong sabihan.
Kasi lumaki siguro ako na ganun. Yung hindi nagsasabi kung ano problema ko kasi isang tulog lang o magawan ng diskarte e solve na. Di ako sanay na umupo at magdadadada ng nararamdaman ko, siguro dito sa blog nagagawa ko kasi may password at wala masyadong nakakabasa. Natuto ako manahimik at matulala na lang kaysa isipin yung problem ko. Ganyan ako, bigla na lang may mga magtatanong kung badtrip ako.
Dahil napapansin ko, na pag sinabi ko naman problema ko, imbis na ma-solve e lumalaki. Hindi na ko natuto na makinig sa mga payo kasi mga salita lang yun. Wala akong naaalalang sitwasyon na effective ang isang advice sa problema ko. Mas sanay ako na kung sa ano yung tingin ko e mas magiging convenient ako don. Sa tingin ko kasi ako at ako lang ang makaka-solve sa mga problema ko, maliban na lang kung may mga taong tutulong, tulong na gawa...hindi tulong na dada.
Ang pananahimik ko rin siguro at pagsarili ng problema e way para hindi ako maiyak, haha! Gaano ko man paniwalaan na malakas ako, may weak point din ako...so wag na lang! Ayoko ng drama.