Has Been
Monday, October 6, 2008
3:42 PM
Naalala ko dati nung highschool days, yung mga friends ko nagsasabi ng problems sakin hoping that I could give them advice on their problems or make sense why it happened.
Naalala ko pa din non, na pag pag may problema o away kila Zyrrel at Apol, kami ni Junio ang nag-uusap sa phone at nagp-plot ng plano para mapagbati sila. Nagawa rin kami ng act para malaman yung buong storya, haha! Dati nga nagsswitch kami ng kausap para malaman both sides.
Siguro dati, madali lang magsabi ng advice kasi hindi naman ako yung nasa sitwasyon. Bakit ngayon parang kulang ako sa practice? O baka naman di talaga ako maaasahan pagdating sa mga ganyan. Dati kasi parang lahat ng sinasabi ko may point...ngayon parang tsambahan na lang. Haha!
Ano ba kinakaen ko dati? Baka nakakatulong yon sa pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. (Ang daming word na tulong)
Ilan na nga ba natulungan ko ngayong year? Yung tipong mapapa-"OMG! Maraming Salamat Agatha! Kung wala ka...ay siya!" So far, wala pa ata. Hmmmm... sabi na dapat mag-therapist na lang ako e! Yung tipong magsasabi lang ako ng 3-5 words tapos sasabihin ng patient "OMG! Doc! Maraming Salamat! Kung wala ka...ay siya!" :))
O kaya takbo na lang ako ng pagka-presidente talaga e, para sabihin ng masa "OMG! Kagalang-galang na Presidenteng Geron! Maraming Salamat! Kung wala ka...ay siya!" :))
Ahahahahahaha!!!! Ang ganda siguro pakinggan andon ako sa EDSA tapos andon mga tao, may dala dalang mga banner tapos sabay sabay mag-o-OMG! Weeeeeee!!!!!