<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3511405500224581593?origin\x3dhttps://akolangmayalam.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> Comment Rewind Exit

Hindi Uminom ang Nagyaya : l
Tuesday, October 21, 2008
2:14 PM


Sinundo ako ni Junio, Katrina pati ni Zyrrel kahapon habang ako ay nanonood ng Drake and Josh sa taas. Yan o! Yung naka green pati naka black! Tapos yung naka pink sabi wag daw ako aalis dahil nanaginip siya masama! Ako naman si ..."ano? namatay ulet ako?" Potrages! Yun pala pupunta dito! haha!

Pero buti na lang pumunta sila kasi kung hindi edi di ako nakaalis. Yang naka green o! Yan ang nagtawag nung tanghali, nagyayaya. Haha! Wala pala plano kung ano gagawin, kaya palakad lakad kami sa may Green and Grills ba yon? No idea. Naghahanap ng kung san pwede uminom, kasi gusto daw uminom ni Zyrrel. E kami naman ni Sarah, naghahanap ng may cocktail. Si Zyrrel naman, naghahanap ng may magandang sounds : l para kaming hs, nagtuturuan sila kung san pupunta habang kam ni Sarah walang pakialam at nasunod lang at wiwi ng wiwi.


Sa kakahanap ay napa-upo na lang kami at nagtututuro ang iba.."kasi eto! kasi eto!" Kaya nagpicture picture na lang kami hanggang sa may patunguhan ang biglaang lakad.



Na wiwi na naman si Sarah kaya bumalik kami cr. Actually di ko maalala kung ano nauna e..kung nag cr muna kami tapos umupo o umupo tas nag cr. Ewan! Basta nangyari yan.

Tapos...


Ayan! Nagpapaunahan kami ni Sarah pati ni Katrina dyan. Dapat kay Junio yng iniinom ko at isang baso ng tubig sa akin : l kasi kasing pula na ng mukha niya ang kamatis kaya ako na lang :D

Pagkatapos nyan e may 2 jologs na lumapit at kinukuha ang number ni Zyrrel, sabay tumabi yung isa sakin

Jologs # 1: Ikaw ate? Pwede makuha number mo? (sabay siko sa braso ko)

Feeling close amp!

Ako: Hindi!

Jologs # 1: Bakit ate? May asawa ka na?

Ako: Meron!

Nanahimik ang Jologs at sabay hingi ng number kay Katrina.

Desperado amp!

Habang sinasabi ko yon...naramdaman ko talaga nag blush ako sa asar. Buti yung mga kasama ko e dinadaan na lang sa biro, at etong si Sarah ay may crush don sa isang kasama nila na nananahimik habang pinapanood yung 2 jologs na kasama nila na mapahiya. Ewh!