<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3511405500224581593?origin\x3dhttps://akolangmayalam.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> Comment Rewind Exit

Minana ko kay Mami ang Cooking Skills ko
Sunday, October 5, 2008
12:12 AM

Sa mga oras katulad neto,
dapat ay mahimbing na ako sa pagtulog,
akap akap ang aking onan,
parang uod sa kama at
nakatapat ang maalikabok na electric fan.

pero hindi ngaung gabi/madaling araw

Kakakaen ko lang, nagluto din ng kung ano, nagluto ako ng scrammbled eggs na hinagisan ng toge at tinaktakan ng Maggi Magic Sarap! and I called it "Togegg"

Kaninang hapon ko triny magluto non dahil wala na akong mahagilap sa ref namin kundi itlog. Sa cabinet, puro naman pasta... hindi naman siguro masarap kung magluto ako ng egg pasta...it's Kadurdur!

Pero one time nagawa ko yun! May vegetable noodles sa cabinet...may green, orange and yellow, kinuha ko tas binoil for 20 secs/ Thin kasi ang bawat strand at pag napatagal ang pagkulo ay magiging soggy. You should learn from me because I'm so good at this! Tapos drinain ko yung water and nilagyan ko ng oil yung noodles, if-fry ko ata..ayun! Dumikit sa kawali. Tapos binuhos ko yung egg, ayun! Kadurdur na talaga itsura...ewh na! The I sprinkled some salt and blackpepper and some fish sauce and Voila! Walang nanghingi. Ako kumaen, buti pa si Spike nanghingi kaya binigyan ko kasi I wamt to share my greatest works to those who appreciate. : l


Mabalik sa "Togegg" ko. Ok naman siya, nakakaen naman...buhay pa naman ako so safe siya.

Atleast ako kinakaen ko niluto ko e yung kay Mami, puro doggies ang may gusto..di ba! di ba! Kaya para sa lahat ng iniimbita nya dito sa bahay na mag lunch, kaen muna kayo bago kayo punta dito. hehe!

Naalala ko tuloy yung pakulo ni Mami dati nung Noche Buena, this is not about her cooking. Actually, I like what she prepares whenever there's an occasion. Anyway, year 1999 ba yun o 1998 o 2000..basta, inimbeta niya ang iilang friendly neighbors (yung iba, not so friendly..just sucking up) dito sa bahay. At sila ang nag Noche Buena, habang ang Dadi ko ay natulog na lang, si Kuya ay nakasimangot habang nanonood ng TV at naghihintay matapos kumaen ang mga bisita...mmm..ano nga ba ginawa ko non? Malamang lamang e natulog na in ako dahil nalipasan ako ng gotom.

Para tapusin ang post na ito na nawawalan na ata ng direksyon,

Bochog na ako.