Tuesday, October 21, 2008
6:07 PM
okay..who am I kidding...kahit naman na sabihin ko na wala na ako pakialam at kahit gustuhin ko na ganun...hindi ko magagawa. Kayanin ko man, di rin ako makakatulog sa pag-aalala.
Kaya ko lang siguro nasabi yun e dahil sa umasa ko at napahiya ako. Pag nagalet ako o nagtampo, sorry ang maririnig ko kasabay ang explanation. Kung ako tatanungin, ayoko na marinig ang sorry pag may atraso ang isang tao sakin o pag may gumawa ng mali sakin. Sanay na ako sa sorry at kung hindi ko naman nakikita na nagsisisi talaga yung tao, anong point non di ba?
Kaya mas minamabuti kong manahimik at wag kausapin ang mga tao sa paligid ko, mas nakakapag-isip ako ng maayos. Katulad ngayon, sa pag-iisip ko ng mabuti e masasabi kong may karapatan akong magkaganito.
Feeling ko ngayon, wala...bato na ko, wag naman sana pero parang di na ko nakakaramdam ng awa, mas umiiral na ang utak ko kaysa sa puso ko...mas gusto ko toh.
Siguro di na lang ako aasa sa mga promises, i'm used to it. Pero yung feeling na napahiya ako at hindi napapansin yung mga ginawa ko, siguro medyo matagal pa bago ako masanay. Pag di ko naman kaya pwede naman sumuko e.