Talaga nga naman
Wednesday, October 22, 2008
12:04 PM
Kagabi, after ng Lalola...online ako saglit. Wala naman ako ginawa, nag approve ng mga comments pati nagbura ng mga friends na di na active ang account, mostly yung mga di ko talaga kilala...ung mga primary pic e mga naruto. Deleted na yun.
Since wala na ko magawa at paniguradong hindi naman ako makakatulog dahil sanay na ko antukin ng mga past 1 am, humiga na lang ako at nag soundtrip habang bukas ang ilaw. Nagmumuni muni...medyo dinalaw na ko ng antok kaso nagsalita ang mga intestines ko kaya punta ko kitchen. Inubos ko na lahat ng laman ng cornflakes, binuhos ang milk at kumaen na lang...habang nag-iisip pa din kung gaano ako kaawa-awang tignan. Malapit na maubos yung nilagay ko sa bowl nang may biglang sumulpot na gagamba sa kinakaen ko. ay siya! Tinignan ko pa muna eh, yung yung gagamba na napaka-thin ng legs at isang ihip lang e patay na...habang nasa bowl siya e nagbebend ang legs niya : l ewan ko kung nag-eexercise o gusto uminom ng gatas. Sa asar ko e, shinu-shoo ko na ng spoon, biglang nawala. Ayoko naman kumaen ng cornflakes na may missing gagamba kaya binigay ko na lang kay Spike.
Tapos balik ako sa room, di pa rin makatulog kaya lumabas ako at naghanap ng book na mababasa. Nakita ko yung Guiness Book of Records (1996) yung unang page lang binasa ko sumuko na ko, haha!