<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3511405500224581593?origin\x3dhttps://akolangmayalam.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> Comment Rewind Exit

Tooth Fairy??? Penge Ngipin!
Tuesday, October 14, 2008
6:49 PM

Tumawag si Mami nagun ngaun lang sa phone.

Agatha: Heelllaaaaw???

Mami: Hello, Agatha...sino kasama mo dyan?

Agatha: Si Daddy

Mami: Galing kang school?

Agatha: ha? hindi

Mami: O akala ko ba 2 araw

Agatha: Monday pati Friday

blah blah blah blah

Mami: Ang tita mo nasaan?

Agatha: Nasa labas

Mami: Tawagin mo, kausapin ko

Agatha: Sakit ngipin ko

Mami: eeeh..tawagin mo

Aaaahh! Walang may pakialam!

Ang sakit ng ngipin ko, wisdom tooth ko na naiba ang direksyon ng pagtubo. Yung feeling na kelangan na talaga tanggalin kasi sobrang nagc-crowd na yung mga ngipin sa part na yun.

Nasabihan na ko ng dentist na kelangan bunutin toh bago sumakit at madamay pa yung katabing ngipin. Kulang na nga ako sa ngipin tas etong tumubo bubunutin pa..ay siya! Nakakatakot magpabunot kasi ang daming prescribe na gamot bago yung procedure tapos baka lagnatin pa ko.

Tuwing gabi naiisip ko talaga kung pano ako bubunutan, kaya mas lumikot ako matulog...para siguro maalog isip ko : l

Naiisip ko parang yung sa America's Next Top Model, yung binunutan si Joanie ng mga ngipin. Ang laki ng ngipin nya, eto rin atang wisdom tooth ko malaki, based sa x-ray. Aaaaahhh!! Bakit kasi tumubo??? Di naman ako nagtanim o uminom ng kahit anong gamot para matubuan ng ngipin!

Sana talaga pag pinabunot ko to, hindi mangyari yung sinasabi ni dadi na nangyari sa kanya. Isa pa yun, napaka-brutal magkwento nung binunot yung ngipin nya. Bumabalik na naman ang syndrome ko tuwing dadalaw sa dentist. Baka umiyak pa ko don.