Observation ni Tita
Saturday, November 29, 2008
1:55 PM
Dahil sa wala akong magawa at bigla akong tinamad magbasa ng Eclipse at ipagpatuloy ay Love Story ni Edward at ni Bella (panget ng name amp) naisipan ko mag-blog...ulet.
Lumabas ako ng room, kani-kanina lang para kumuha ng napakasarap na chocolate "Branche" then nakita ko si Tita, halos i-flat na ang kanyang fes habang pinapanood ang mga isda sa aquarium na mamamatay din pagdating ng panahon.
Agatha: Ta, nong ginagawa mo?
Tita: Pinapakaen ko tong angel fish
Pag kinaen ng isang angel fish yung pellet, iluluwa nya ulet tapos ayaw na kainin nung iba
Agatha: Malamang, may laway na e
Tita: (abnormal talaga tong pamangkin ko)
Sabay pasok ko sa room at blog.